“Free purr guide? 😹

Masayang ibinahagi ng netizen na si Kyna Pugal ang mga larawan ng mga cute na pusang tila sumalubong daw sa kanila makaraang akyatin nila ang Mt. Kalugong sa La Trinidad, Benguet.

📍Mt. Kalugong (La Trinidad, Benguet) Free purr guide 😹,” caption ni Pugal sa kaniyang post sa Facebook group na CATS & KITTENS Philippines.

Sa eksklusibong panayam ng Balita, ibinahagi ni Pugal na natuwa raw siyang makita ang naturang mga pusa nang umakyat sila ng Mt. Kalugong noong Enero 17, 2024.

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

“As a fur parent, I always get excited pag may nakikita akong mga pusa, so I took pictures of them. I'm not really sure if alaga po sila diyan sa Mt. Kalugong or strays, but they seem well-fed naman po😇,” kuwento ni Pugal sa Balita.

“Marami pa po sila, hindi ko po nakuhanan ng pictures ‘yung iba. And I just noticed that two of them might be pregnant,” dagdag pa niya.

Kaugnay nito, nanawagan si Pugal sa mga may mabubuting loob na tumulong sa pagpapakapon ng mga pusa sa bundok. Ito ay kung papayag din daw ang owners ng nasabing fur babies.

Samantala, habang sinusulat ito’y umabot na sa mahigit 3,700 reactions, 136 comments, at 355 shares ang nasabing post ni Pugal.

Narito ang ilang mga komento ng netizens:

“Alam ko na dadalhin ko pag magpunta kami jarn!”

“This should be our next travel destination!”

“Wow parang matataba mga miming dyan.”

“Magdadala ako ng cat food pagkapunta ko jan.”

“Cat paradise .”