Kinaaliwan ng mga netizen ang kakaibang paandar ng public school teacher-part time college instructor na si Teacher Sigrid Fadrigalan-Tibordo matapos niyang ibahagi ang larawan ng kakaiba at kuwelang paraan ng pagpo-proctor sa exam.

Makikitang nakatuntong na sa upuan ang guro habang sumasagot sa kanilang pagsusulit ang klase.

"Goods naman po, so far. Walang nagkokopyahan. Bait," aniya sa caption.

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"KAKAIBA KA TALAGA MA'AM😭😭😭😭"

"Kapag ganyn nga naman ang teacher batch tlga namang d kna makakakopya nyan buti walang ganyan nung nsa balian palang tayo noon hahaha!!!"

"Parang batch lang namin to mam. Napakabait at walang nag kokopyahan 🥰"

"HAHAHAHAHAHAHAHA ganyan din dati ma'am ay talagang parang magkaka stiff neck at matatakot na tumunghay."

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Teacher Sigrid, napag-alamang siya ay naninirahan sa Tayabas City, Quezon Province, nagtuturo ng asignaturang Filipino sa Grade 11 ng Luis Palad Integrated High School.

Kuwento niya, kumukuha ng periodic exam ang mga mag-aaral na makikita sa kaniyang viral photo.

"Periodical Examination ito, kapag ganito, proctor ang role naming mga guro. Kapag nasa unahan at nakaupo, hindi kita ang lahat ng bata. At dahil iniiwasang magkaroon ng pagkakataon sa dayaan, tiniyak ko na makikita ko silang lahat kahit alam kong mabubuti sila at mahuhusay."

Nang matanong kung epektibo naman, "Yes, effective naman. Walang sinumang nagtangkang gumawa ng anomalya."

Paliwanag niya, hindi dapat hayaan ang mga mag-aaral na mandaya dahil para na ring lumikha ang mga guro ng isang lipunang mandaraya.

"May kani-kaniyang tayong estratehiya upang mapamahalaan ang mga mag-aaral sa oras ng pagsusulit, ano man ang kaparaanan natin, ang mahalaga ay naipauunawa natin sa kanila ang halaga ng pagiging katapatan. Nasa ating mga kamay natin ang magiging kapalaran ng lipunan, kapag sa silid-aralan pa lang ay ipinagwalang-bahala natin ang dayaan, para na rin tayong lumikha ng isang lipunang mandaraya," aniya, na paalala na rin sa mga kapwa guro.

MAKI-BALITA: ‘Ganito pala dapat!’ Kakaibang ‘proctoring’ ng guro sa exam, kinaaliwan

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!