Dumaong sa Boracay Island nitong Miyerkules, Enero 24, ang MV Resorts World One, sakay ang 1,600 pasahero, karamihan ay Chinese.

Sa social media post ng Malay-Boracay Tourism Office, ang naturang barko ay dumating sa isla nitong Enero 24.

Nitong Enero 23, dumaong sa Manila South Harbor ang Resorts World One, sakay ang 1,620 pasahero at mahigit 1,000 tripulante at umalis din ito patungong Boracay.

Paliwanag ng Philippine Ports Authority (PPA), nasa 70 cruise ships ang inaasahang darating sa bansa ngayong taon.

Tourism

ALAMIN: Mga libreng museum sa Metro Manila!

Ang cruise ship ay inaasahang aalis sa naturang isla patungong Hong Kong nitong Miyerkules ng gabi.

"Mabuhay and thank you for visiting our place," dagdag pa ng tourism office.