PUV franchise consolidation deadline, extended hanggang Abril 30, 2024 -- Malacañang
Pinagbigyan na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang rekomendasyon ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na magbigay pa ng tatlong buwan na hanggang Abril 30, 2024 para sa franchise consolidation ng public utility vehicles (PUVs).
Layunin ng hakbang na mabigyan ng sapat na pagkakataon ang mga operator at driver na sumali sa isinusulong na PUV Modernization Program ng pamahalaan.
Dati nang itinakda ng gobyerno ang deadline ng franchise consolidation nitong Disyembre 31, 2023.
Nauna nang inaprubahan ng House committee on transportation ang resolusyong humihikayat kay Marcos na palawigin pa ang consolidation period hangga't pa napagtutuunan ng pansin ang mga pangunahing usapin hinggil sa programa.
Matatandaang inihayag ng DOTr na nasa 145,721 PUVs ang nakapag-consolidate na ng kanilang prangkisa.