Tila may 'advice' umano ang social media personality na si Xian Gaza para sa mga nagnanais na umasenso ang buhay ngayong 2024.

"Ilang taon ka ng lumalaban ng patas pero wala pa ring nangyayari sa buhay mo hanggang ngayon. Palagi ka na lang inaapi ng mundo at inaapakan ng lahat," saad ni Gaza nitong Miyerkules sa kaniyang Facebook post.

Pagkatapos niyang sabihin ito, tila nagbigay-payo siya kung ano ang dapat gawin para umasenso ang buhay ngayong 2024.

"Try mong mang-estafa ngayong 2024, baka sakaling umasenso ka na sa buhay. Kapag mayaman ka na at successful, then doon ka magbagong-buhay dahil ang Diyos ay mapagpatawad at paniguradong tatanggapin ka Niya pabalik sa Kanyang kaharian," dagdag pa niya.

Xian Gaza, inalala ang pagsuko niya noon sa pulis dahil sa umano'y investment scam

Bukod dito, tila ipinaliwanag niya ang ibig umano niyang sabihin.

"If you always do, what you always done, you will always get what you always got. But if you will do what you never done, you will get what you never got," saad naman niya sa comment section. "Change your ways. Huwag kang lumaban ng patas. Mang-estafa ka."

Matatandaang noong 2018, sumuko si Gaza sa Malabon Police dahil sa kinasangkutang P2.6-million investment scam.

Noong 2022 naman, binalikan niya ang pagsuko niya sa awtoridad.