Posibleng sinusubukan lamang ni Vice President Sara Duterte na makuha ang pulso ng masa nang isapubliko nito ang planong pagkandidato sa susunod na eleksyon, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. 

“I think she’s also testing the waters to see what the reaction will be,” anang Pangulo sa panayam sa telebisyon nitong Martes.

Isinapubliko ni Duterte ang kanyang plano habang ito ay nasa Davao City nitong Lunes.

Gayunman, hindi binanggit ni Duterte ang tatakbuhing posisyon.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Matatapos ang termino ni Duterte bilang bise presidente sa 2028.

Idadaos ang susunod na national at local elections sa Mayo 2025.

PNA