Hindi nakaligtas sa kantiyaw ni Vice Ganda ang kaniyang kapuwa “It’s Showtime” host na si Kim Chiu.

Sa isang video clip kasing ibinahagi ng “It’s Showtime” sa kanilang Facebook page noong Lunes, Enero 22, halatang bumilib si Kim sa naging sagot ng co-host nilang si Amy Perez tungkol sa panghihimasok ng magulang sa buhay ng anak nitong may asawa o jowa na.

Ayon kasi kay Amy, hindi raw siya nagsumbong sa nanay niya kapag nag-aaway silang mag-asawa kundi sa nanay mismo ng asawa niya. 

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Kasi, siya ang nanay ng asawa ko. So, walang ibang nakakakilala sa asawa ko kundi ‘yong nanay niya. So, siya ang makakatulong sa akin kapag may problema ako sa asawa ko,” paliwanag ni Amy.

MAKI-BALITA: ‘Makinig mga mama’s boy!’ Hirit ni Amy tungkol sa biyenan, hinangaan

Nagpakita si Kim ng paghanga sa inilatag na punto ng kaniyang co-host at napansin ‘yon ni Vice Ganda kaya nakakuha ito ng pagkakataon para magbiro.

“Grabe ang palakpak ni Kim Chiu parang naranasan mo lahat ng mga pinag-uusapan. Mag-isa siyang pumapalakpak nang malakas tapos may pagtango pa,” aniya.

“Naranasan mo ba lahat ‘yon, Kim?” pangungulit pa niya.

Natatawa namang dumepensa si Kim: “Ang galing kasi ni Tiyang. Ang linaw ng pagkakapaliwanag.” 

“Oo, kaya dapat nakausap mo siya nang mas maaga, ‘di ba?” hirit ni Vice Ganda.

Pabiro namang inambahan ni Kim ang kapuwa host dahil sa sinabi nito.

“I love you, I love you,” ang nasabi na lang ni Vice Ganda habang natatawa.

Matatandaang kagagaling lang ni Kim sa heart break noong Disyembre 2023 matapos nilang kumpirmahin ni Xian Lim ang umuugong na balitang hiwalay na umano sila. Wala namang binanggit na detalye ang dalawa hinggil sa dahilan ng kanilang break up.

MAKI-BALITA: ‘End of a Love Story!’ Kim Chiu kinumpirmang hiwalay na sila ni Xian Lim

MAKI-BALITA: Xian kay Kim: ‘No goodbyes here, I’ll see you around’