Hindi umano nakarating sa Dubai ang dating glam team ng aktres at socialite na si Heart Evangelista dahil sa natanggap nilang hold departure order.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Martes, Enero 23, inihabol ni showbiz insider Ogie Diaz ang kaniyang nasagap na impormasyon tungkol sa bagay na ito bago tuluyang tapusin ang nasabing showbiz-oriented vlog.

“May impormasyong nakarating sa akin na ang dating glam team ni Heart Evangelista ay hindi pinasakay sa eroplano patungong Dubai,” saad ni Ogie.

“Headed by her former make-up artist Justin Louise Soriano ay patungo sanang Dubai noong January 22 at 3pm para i-meet ang internationally renowned fashion designer na si Mark Bumagrner at Miss Universe Pia Wurtzbach,” aniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pero hindi raw sila natuloy na makasakay ng eroplano dahil sa check-in counter pa lang ay tumagal na ang glam team ng Miss Universe 2015. 

Ayon pa kay Ogie: “Diumano, ang akala ng apat na members ng glam team ay na-bump off talaga sila. Pero ang tsika sa amin—na sana hindi ay…hindi ito totoo—ipinatawag sila sa immigration para ito ang magsabi na sila ay mayroong hold departure order.”

“Na-shock na lamang daw ang buong glam team sa kanilang narinig. Kaya ‘yong aming source, na isang airport personnel, ay nagtanong sa akin kung may koneksyon daw kaya ang hold departure ng glam team kay Heart Evangelista?” aniya.

Bukod pa rito, inusisa rin umano si Ogie kung sinampahan daw ba ni Heart ng kaso ang kaniyang dating glam team kaya nagkaroon ng hold departure oder. 

Pero paglilinaw ni Ogie, wala raw siyang alam na sagot mula sa mga nabanggit na tanong.

Matatandaang Hulyo noong nakaraang taon nang napaulat ang tungkol sa isyung ito matapos mag-unfollowan nina Heart at ng kaniyang dating glam team sa kani-kanilang Instagram account.

MAKI-BALITA: ‘Nag-unfollowan pa!’ Heart, nilayasan na raw ng glam team?

Makalipas ang ilang buwan, muling napag-usapan ang nasabing isyu dahil sa sa pagsasa-dokumento ni Heart ng kaniyang pagkaaligaga sa New York Fashion Week.

MAKI-BALITA: ‘Pasabog!’ Isyu sa dating glam team ni Heart, muling nabuhay

 Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anomang pahayag si Heart para patotohanan at pabulaanan ang tungkol sa bagay na ito.