Pinaplano na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na doblehin ang bilang ng Wi-Fi sites sa bansa ngayong taon.

“I think planong doblehin iyong number ng free Wi-Fi especially sa mga LGUs (local government units) na nangangailangan talaga ng connectivity para ma-implement din po itong tinatawag na eLGU,” paliwanag ni Information and Communications Technology Undersecretary David Almirol , Jr. sa pulong balitaan sa Malacañang nitong Miyerkules

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

“In fact, ang part ng effort din po ng DICT ay habang nag-i-implement ang DILG (Department of Interior and Local Government) at DICT at ARTA [Anti-Red Tape Authority] ng eLGU kailangan samahan na rin ng connectivity, kailangan magsasabay siya para parallel iyong effort, ” anang opisyal.

Mahigit na sa 25,000 sites ng libreng Wi-Fi sites ang naitayo ng pamahalaan noong 2023

Aminado naman si DILG Secretary Benjamin Abalos na pinapasimple na nila ang proseso ng business license, occupancy permit, at other permits upang tuluyan nang maipatupad ng mga LGU ang actual digitalization.

“Mas mabilis kung cellphone lang. Sa ngayon po, 60 percent na ang na-digital pero of course ibang isyu iyong ilan ba sa kanila ang may kaya nang tumanggap ng bayad, ng online application at makapagbayad – kakaunti pa lang po iyon ‘no depende sa lugar. Sa Metro Manila halos lahat wala tayong problema. So, iyon po ang ginagawa namin ngayon ng DICT, ng ARTA – umiikot pa kami,” dagdag pa ni Abalos.