Nagpaabot ng mensahe si Annabelle Rama sa manugang na si Alexa, ang misis ng isa sa mga anak nila ni Eddie Gutierrez na si Elvis Gutierrez, habang nagpapagaling at nakikipaglaban ito sa sakit.

Sa Instagram post ni Alexa, ibinahagi niya ang tuluyang pagkalagas ng kaniyang mga buhok dahil sa treatment.

"I was getting emotional seeing all my hair fall in chunks. I was getting mad and wanted to change my emotions quickly. We went for it and decided time for the new look. I feel much happier that we did it. Still a bit messy on top since it was spur of the moment thing Elvis. It was a liberating feeling. Most importantly, @life.of.guti and I love the look. Always wanted to try this hairstyle but never had the guts. 💞," aniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Martes, Sept. 17

Ibinahagi naman ng kaniyang mother-in-law na si Annabelle Rama ang kaniyang larawan at nagbigay ng encouraging message para sa kaniya.

"I have to repost this kasi may nag delete ng post ko kanina," ani Annabelle.

"Sorry Alexa ngayun lang ako nag comment sayu kasi sobrang affected ako sa nanyari sayu. Hindi parin ako makapaniwala. Kasi ang bait bait mong manugang at sobrang masinop sa asawa at mga anak mo. Matagal kang nakatira sa akin, gf/bf palang kayu ni elvis hanggang sa ikasal at magkaanak kayu ay magkasama parin tayu sa bahay kaya para na talaga kitang tunay na anak."

"Alam mong hindi ako vocal sa nararamdaman ko pero alam kong alam mo na mahal kita na parang anak ko na. Kaya alam kong gagaling ka. Habang pinapatex ko ito hindi ko mapigilan umiyak. I love you Alexa! Don't worry nakalbo ka, para sa akin ikaw ang pinaka magandang kalbo! ❤️❤️❤️."

"PS huwag kang mag alala sa mga bata. Nanditu kami ni eddie para subay-bayan ang mga anak mo habang nag papagaling kapa. Pinagdasal kita everday at pinagsindihan kita ng kandila sa Sto Nino sa cebu for your fast recovery."

Sa comment section ay nag-reply naman dito si Alexa.

"I don't know what I would do without you and Bubba Eddie. Thanks for taking care of the kids while Elvis and I are not home. [Your] love is so unconditional it spreads to everyone around you. That's why so many people love you. Blessed to have the best in-laws."

Si Alexa ay nakikipagbuno sa kaniyang sakit na leukemia.