Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na dumalo siya sa concert ng British rock band na Coldplay sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan noong Biyernes, Enero 19, dahil hindi raw dapat palampasin ito.

Sa isang panayam ng mga mamamahayag nitong Martes, Enero 23, tinanong si Marcos kung mayroon pa ba siyang “me time” sa gitna ng kaniyang “hectic schedule” at kung kasama raw ba rito ang kaniyang naging pagdalo sa concert ng Coldplay.

“Of course… Siguro by now alam na ninyo music lover talaga ako,” sagot naman ni Marcos.

“I have been for a long time. I studied music for many years, and to have somebody like Coldplay, unmissable dapat 'yun. You cannot miss. By the way, it was fantastic,” dagdag pa niya.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan sa social media ang mga video at larawan kung saan may nakitang tatlong chopper sa venue ng concert, na pinaniniwalaang karga nito ang VIPs, kabilang ang pangulo kasama ang asawa niyang si First Lady Liza Araneta-Marcos at anak nilang si William Vincent.

MAKI-BALITA: PBBM, gumamit daw ng presidential chopper papuntang Coldplay concert?

Agad namang naglabas ng paliwanag at opisyal na pahayag ang Presidential Security Group (PSG), sa pangunguna ni PSG commander Maj. Gen. Nelson Morales, hinggil sa naturang pagsakay ng pamilya sa presidential helicopter.

Ayon kay Morales, tiniyak lamang daw ng PSG ang seguridad ng pangulo at unang ginang dahil sa dagsa ng mga tao sa concert, na tinatayang umabot sa 40,000 indibidwal.

MAKI-BALITA: PSG nagpaliwanag sa ‘helicopter issue’ kay PBBM sa Coldplay concert

Samantala, matatandaang ilang mga kongresista rin ang bumatikos sa naging pagsakay ng pangulo sa chopper para sa concert, maging ang naging paliwanag ng PSG hinggil dito.

MAKI-BALITA: Brosas, kinondena paggamit ni PBBM ng chopper para sa Coldplay concert

MAKI-BALITA: Manuel, umalma sa paliwanag ng PSG sa ‘helicopter issue’ kay PBBM