Pinatitigil ng National Telecommunication Commission o NTC ang operasyon ng Sonshine Media Network International (SMNI) nitong Martes, Enero 23, habang tinatapos ang pagdinig sa kanilang kaso.

Ayon sa mga ulat, naglabas umano ng NTC ng cease-and-desist order laban sa

Swara Sug Media Corporation, korporasyong nasa likod ng SMNI.

Nabanggit din umano sa nasabing pahayag na nakatanggap sila ng mga ulat na patuloy ang operasyon ng SMNI.

National

Harry Roque, iboboto si Quiboloy bilang senador: ‘Kinikilala niya ang Panginoon’

Matatandaang noong Disyembre 21, 2023 ay nauna nang patawan ng NTC ang SMNI ng 30 days suspension dahil umano sa mga paglabag ng network sa terms and conditions ng prangkisa nito.

MAKI-BALITA: Operasyon ng SMNI, suspendido ng 30 araw

“Said Order was personally served upon and received by Respondent on 21 December 2023… However, notwithstanding Respondent’s receipt of such Order on the said date, the Commission has received reports showing that Respondent did not strictly comply with the suspension aspect thereof and was still operating in certain areas in Region VI by as late as 27 December 2023,” saad sa order ng NTC.

Binigyan ng NTC ang SMNI ng 15 araw para tumugon at ipaliwanag kung bakit nabigo silang sundin ang 30-day suspension order na posibleng humantong sa kasong administratibo.

“Failure to file an Answer within the period herein granted shall be considered a waiver of Respondent's right to be heard and the Commission shall render such judgement as the law and evidence may warrant,” dagdag pa.

Samantala, kasalukuyan na umanong pinag-aaralan ng abogado ng SMNI na si Atty. Mark Tolentino ang gagawing hakbang sa isyung ito.