Tawang-tawa ang mga netizen sa "kalokohang" video ng dating Hashtags member na si Nikko Natividad matapos niyang itampok si Kapamilya Star Enrique Gil na bibida sa kaniyang comeback movie na "I Am Not Big Bird."

Makikita sa video na nagkasabay silang umihi sa palikuran, at habang jumijingle ay makikitang kinilig si Nikko kay Enrique.

Maya-maya, makikitang tila nabasa ng ihi si Nikko lalo na nang masipat na niya ang "big bird" ni Enrique.

"Sobrang gwapo ni enriquegil‼️"

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

"Tingin nyo nahalata nya kayang kinilig ako??🥹," caption ni Nikko.

In fairness umabot na sa 1.9M views, 241k reactions, at 4.9k comments ang post ha!

Anyway, marami na ngang nasasabik na mapanood ang comeback movie ni Quen under Black Sheep, na nasa ilalim naman ng ABS-CBN Film Productions.

MAKI-BALITA: Ihanda ang mga kiffy! ‘Big Bird’ ni Enrique bubuyangyang na