Isa sa mga napakomento sa health update ni Queen of All Media Kris Aquino ay si Kapuso Star Carla Abellana, na makikita sa Instagram post part 1 ng una.

Sa bagong updates ni Kris, makikita ang ilan sa mga nangyari sa kaniya noong 2023, at hangad niyang mas maging mabuti ang lagay niya ngayong 2024.

"Explains and answers almost everything that has happened and is happening. 2024 please be kind," aniya.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Bukod sa rashes, pag-iinject sa kaniya ng gamot, at ilang mga larawang makikitang namamahinga siya, isa sa mga nakita rito ay ang pagdalaw ng magkaibigang Kim Chiu at Bela Padilla sa kaniya.

Sa comment section, sinabi ni Carla na ipinagdarasal niya ang paggaling ni Kris.

"Prayers for you, Ms. Kris 🙏🏻," aniya.

Napansin naman ito ni Kris at saka kinomentuhan, "@carlaangeline if you’re already in the process of getting annulled we have a doctor friend based in OC who might be a great match."

Photo courtesy: Screenshot from Kris Aquino (IG)

Matatandaang nagkahiwalay ang mag-asawang Carla Abellana at Tom Rodriguez tatlong buwan matapos ang kanilang kasal noong Oktubre 2021.