Bilang isang guro, isa sa mga tungkulin ay pagfa-facilitate o pagsasagawa ng pagsusulit sa mga mag-aaral o tinatawag na "proctoring." Bahagi nito ang "pagbabantay" sa aktuwal na pagkuha ng eksamin at matiyak ang katapatan sa pagsagot nito. Kasama sa mga dapat ituro at ipaunawa sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng "katapatan" o honesty sa kanilang mga ginagawa, lalo na sa simpleng pagsagot sa mga pagsusulit, quiz man iyan, long test, o periodic test.

Kaya naman, kinaaliwan ng mga netizen ang kakaibang paandar ng public school teacher-part time college instructor na si Sigrid A. Fadrigalan matapos niyang ibahagi ang larawan ng kaniyang pagpo-proctor sa exam.

Makikitang nakatuntong na sa upuan ang guro habang sumasagot sa kanilang pagsusulit ang klase.

"Goods naman po, so far. Walang nagkokopyahan. Bait," aniya sa caption.

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"KAKAIBA KA TALAGA MA'AM😭😭😭😭"

"Kapag ganyn nga naman ang teacher batch tlga namang d kna makakakopya nyan buti walang ganyan nung nsa balian palang tayo noon hahaha!!!"

"Parang batch lang namin to mam. Napakabait at walang nag kokopyahan 🥰"

"HAHAHAHAHAHAHAHA ganyan din dati ma'am ay talagang parang magkaka stiff neck at matatakot na tumunghay."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 6k reactions, 24k shares, at 264 comments ang nabanggit na Facebook post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!