Tila hindi na muli pang makikita ng fans na magkasama sa iisang entablado ang dating mag-asawang Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Sa latest episode kasi ng “Showbiz Now Na” nitong Linggo, Enero 21, itsinika ng host na si Romel Chika ang tungkol sa Valentine concert nina Sharon at Gabby.

“Ikinalulungkot ko pong sabihin sa inyo na wala na pong magaganap na Valentine show ang Sharon-Gabby…Dahil nabalitaan at ingay-ingay at bulong-bulungan e parang marami hinihiling itong si Gabby Concepcion para sa kaniyang mga talent fee, kung anik-anik, banda, mga kanta, mga kung ano-ano pa,” saad ni Romel.

Ipinangako raw nina Gabby at Sharon ang tungkol dito matapos ang kanilang “Dear Heart” concert na ginanap noong Nobyembre 2023 sa Cebu. Pero eventually, ang anak na lang daw nilang si KC Concepcion ang makakasama ni Gabby sa concert. 

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

MAKI-BALITA: Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, ‘magkakabalikan’

“Parang magiging father’s day na lang daw ‘yong show ng mag-ama,” ani Romel.

Sa palagay ng isa pang co-host na si Wendell Alvarez: “Si Gabby matalino sa mga ganyan. Negosyo ito. Alam mo naman, kapag mga ganyan syempre concert nagbebenta ng mga ticket, negosyo ito. Kaya sabi ni Gabby, kapag ginamit n’yo ako, babayaran n’yo ako nang ganito.”

Sinang-ayunan naman ni showbiz columnist Cristy Fermin ang sinabing ito ni Wendell dahil maski noon pa man daw ay nagpapataas na ng talent fee si Gabby. 

In fact, may pelikula nga raw sana silang bubuuin ni Sharon na hindi natuloy dahil sa nabanggit na dahilan.

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anomang pahayag ang magkabilang panig para kumpirmahin o pabulaanan ang tungkol sa bagay na ito.