Usap-usapan ang naging birthday wish ni Annabelle Rama para sa kaniyang anak na si Richard Gutierrez na nagdiwang ng kaniyang kaarawan nitong Enero 21, 2024.

Sa panayam ng showbiz news writer/editor na si Jun Lalin ng isang pahayagan, natanong niya si Bisaya kung ano ang birthday wish nito para sa kaniyang kambal na sina Richard at Raymond.

Para kay Raymond, sana raw ay magtuloy-tuloy lang ang mga dumarating na oportunidad sa kaniya, lalo na sa larangan ng pagiging creative director, idagdag pa ang maganda at malusog na kalusugan, at masaganang buhay.

Kay Richard naman, tila "patutsada" ito sa misis nitong si Sarah Lahbati. Hangad daw kasi ni Annabelle na makahanap ito ng lifetime partner na talagang mag-aalaga sa kaniya, kagaya ng ginawa niya sa mister at tatay nitong si Eddie Gutierrez. Babaeng hindi na raw titingin-tingin sa iba.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Martes, Sept. 17

Siyempre, more projects daw na magaganda pa sana ang ibigay ng ABS-CBN sa kaniya dahil kung matatandaan ay nag-renew ulit sa Kapamilya Network si Chard.

Samantala, sa isang panayam ay inamin naman ni Sarah na "okay" sila ni Richard.