Marami ang nakapansing nabawasan ng timbang si Optimum Star Claudine Barretto lalo na sa kaniyang huli at nagtapos na seryeng "Lovers and Liars" na umere sa GMA Network.

Sa mga nagsasabing mukhang sumailalim daw sa procedure ang award-winning actress at nagpa-liposuction, agad niyang sinansala at pinabulaanan ito sa pamamagitan ng Instagram post.

Aniya, pinaghirapan daw niya ang pagpapapayat at kung magpapa-lipo man siya, ito ay para mabawasan ang excess skin na lumaylay dulot ng kaniyang pagpapapayat sa natural na paraan.

Nagpapasalamat naman si Claudine dahil mga braso lang daw ang nag-sag sa kaniya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Humingi naman ng pasensya si Claudine sa mga taong may sey sa kaniyang timbang at sinabi niyang hindi siya perpektong tao.

"Pasensya na po hindi po ako perfect, and thank you for not being JUDGMENTAL," aniya.