Itinanggi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na siya ang nasa likod ng signature campaign upang tuluyang maisulong ang pag-amyenda sa Saligang Batas.

Sinabi ng kongresista isang ambush interview sa Kamara, wala umano siyang kinalaman sa ipinipilit na people's initiative para sa Charter Change.

Ito ay tugon sa nauna nang pahayag ng pinsan niyang si Senator Imee Marcos na itinuturo ang kongresista na nasa likod ng binabalak na Cha-cha.

“Ang problema, lahat ng staff, ‘yung mga pangalan na nagte-text sa mga tao, tapos ‘yung mga numbers ay mga staff ng speaker, so hindi mo masisisi ‘yung tao na siya ‘yung tinutumbok,” bahagi ng pahayag ng senador kamakailan.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Matatandaang ipinahayag ni Romualdez noong nakaraang taon na ang kasalukuyang taon ang tamang panahon upang maisulong ang pag-amyenda sa Konstitusyon