Dalawang lalaking magka-angkas sa motorsiklo at isang barangay tanod ang nasawi sa naganap na sagupaan sa Meycauayan, Bulacan nitong Sabado ng gabi.

Dead on the spot ang dalawang suspek na inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Hindi na rin isinapubliko ng pulisya ang pagkakakilanlan ng nasawing barangay tanod.

Sinabi ni Bulacan Police Provincial Office director Col. Relly Arnedo, ang insidente ay naganap sa harap ng barangay hall ng Brgy. Bahay Pare, dakong 8:12 ng gabi.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Bigla na lamang dumating ang dalawang suspek na nakamotorsiklo at nagpaputok ng baril.

Natamaan naman ng ligaw na bala ang nakaupong tanod sa harap ng barangay hall na naging sanhi ng kamatayan nito.

"The shootout resulted in the neutralization of the two suspects, both armed with a caliber .45 with an extra magazine,“ pagdidiin pa ni Arnedo. 

 

 

 

 

 

PNA