Mahigit 10,000 housing units ang itatayo para sa mga pamilyang nakatira sa gilid ng Pasig River, ayon sa National Housing Authority (NHA).

Sen. Robin, sinabing ilang araw nang 'di natutulog si Atty. Medialdea

Ikinatwiran ni NHA General Manager Joeben Tai, uunahin nilang mabigyan ng pabahay ang mga informal settler family sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) program ng administrasyon.

Aniya, alinsunod ito sa "Pasig Bigyang Buhay Muli" o (PBBM) master plan.

Nauna nang inihayag ng NHA na nakikipagtulungan na sila sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Public Works and Highway (DPWH), Department of Environment and Natural Resources (DENR)Department of Interior and Local Government (DILG)Department of Tourism (DOT)Department of Transportation (DOTr)Department of Finance (DOF)Department of Budget and Management (DBM), National Historical Commission of the Philippines (NHCP) at iba pang government agency para sa ikatatagumpay ng proyekto.

Nitong Enero 17, pinangunahan nina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Unang Ginang Louise Araneta-Marcos ang pagbubukas ng Pasig River Urban Development Showcase Area project na may temang "Pasig Bigyan Buhay Muli" sa MacArthur Bridge at Jones Bridge sa Maynila.