Isang magnitude 4.0 na lindol ang tumama sa probinsya ng Surigao del Sur nitong Linggo ng umaga, Enero 21, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:48 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 63 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Cagwait, Surigao del Sur, na may lalim na 9 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.