Usap-usapan ang naging pasasalamat ni Coldplay frontman Chris Martin sa Filipino fans na matiyagang nagsadya raw sa unang gabi ng kanilang two-day concert sa Philippine Arena, Bulacan nitong Sabado ng gabi, Enero 20.

Bahagi ito ng kanilang world tour na "Music of the Spheres World Tour."

Ani Chris, "I think weโ€™ve seen some traffic, but I think you have number one in the world, so thank you for making the effort to come through all of that holy sh*t to be here."

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nagkataon namang nasa audience at nanonood din sa concert si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. kaya napalingon sa kaniya ang mga concert goers upang sipatin ang magiging reaksiyon niya.

Nakuhanan naman ito ng video ng isang netizen na naging usap-usapan naman sa social media lalo na sa TikTok.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"@coldplay chris martin in front of ph president bbm hahaha ....#1 worst traffic lol..kaya ayusin nyo yan marcos admin๐Ÿ˜…๐Ÿคฃ๐Ÿคฃ straight to ur face lol."

"Hahahaha damn right real talk ๐Ÿ˜†๐Ÿ˜†๐Ÿ˜†"

"He is so real with that ๐Ÿ˜‚"

"Tamang-tama palang dumating and nanood si BBM hahaha."

Samantala, bukod dito ay naging isyu naman ang pagsakay umano ng pangulo sa presidential helicopter para lamang makarating sa concert venue.

MAKI-BALITA: PBBM, gumamit daw ng presidential chopper papuntang Coldplay concert?