Napakomento ang mga netizen sa latest photos ng kilalang vlogger-rapper na si "Boss Toyo" ng "Pinoy Pawnstars" na kamakailan lamang ay lumikha ng ingay dahil sa ilang personalidad na nagbenta ng memorable items sa kaniya, gaya na lamang ng dating karelasyon ng rapper na si Francis M, aktor na si Jiro Manio, at isang car dealer na nakabili sa dating sports car ni Daniel Padilla.

Hilig ni Boss Toyo ang pamimisikleta kaya naman ibinida niya ito sa social media.

"ang sarap sa pakiramdam na nagagawa mo ngaun un mga bagay na gsto mo dahil me kakayahan ka na sa mga bagay bagay na nais mo," aniya.

Kalakip ng post ang dalawang larawan kung saan makikitang kompleto ang get-up ni Boss Toyo sa kaniyang bicycling activity.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ngunit sa isang larawan ay di naman naiwasan ng ilang mga netizen na may mapansin sa kaniya.

"May dalang Sardinas para hindi magutom"

"Lakatan ba 'yan o sardinas hahaha."

"Naka-10am ah haha."

"kaya ayokong magsuot ng bib na hindi itim eh."

"Wag mo akong susubukan Boss Toyo sinasabi ko sayo."

"Robust ata nainom mo Boss Toyo ndi BCAA"

"iba din idol .may dalang panglaban"

"kala ko sa likod nilalagay yung hand pump sa harap pala."

Samantala, wala pang reaksiyon si Boss Toyo tungkol dito.