Nakatakda nang irehistro ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng sasakyan nito alinsunod na rin sa "No Registration, No Travel' policy ng pamahalaan.

Sa pahayag ni Land Transportation Office (LTO) chief Vigor Mendoza II, sumulat sa kanya si PNP-Logistics Support Service chief, Brig. Gen. Roderick Mining, upang tiyaking susunod sila sa nasabing patakaran ng pamahalaan.

Sinabi aniya sa kanya ni Minong na nakipag-ugnayan na sila sa Government Service Insurance System (GSIS) para sa pagpapalabas ng Certificate of Cover (COC) upang mapadali ang pagpaparehistro ng mga sasakyan. 

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Matatandaang muling pinaigting ng LTO ang kanilang kampanya laban sa mga unregistered vehicles na umabot na sa 24.7 milyon upang mahikayat ang mga ito na magparehistro.

Sa datos ng LTO, nangunguna ang Metro Manila sa may pinakamaraming delinquent motor vehicles, kasunod ang Central Luzon at Calabarzon (Region 4A).