Dumalo sina Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos sa concert ng British rock band na Coldplay sa Philippine Arena, nitong Biyernes, Enero 19.

Kinumpirma naman ito ng Presidential Communications Office (PCO) ang pagdalo nilang ito.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Samantala, kumakalat at pinag-uusapan ngayon sa social media ang mga video at larawan kung saan may nakitang tatlong chopper sa venue, na pinaniniwalaang karga nito ang mga VIPs, kabilang ang First Couple.

Gayunpaman, habang isinusulat ito, wala pang pahayag ang PCO kung sumakay nga sa isa sa mga chopper ang pangulo at first lady.

Umani ng mga reaksyon mula sa netizens ang mga viral na video at larawan.

https://twitter.com/xhymari/status/1748326669650366973

“Mind you, di lang isa ang gamit. Kaya pala ang mahal ng tax ko para may pang heli at concert tix sya.”

“Ginamit pa ang presidential chopper, TAX natin yan. Kapaaaaaaal!!”

“Di man ako nakapunta sa coldplay concert, nagamit naman ang tax natin para makapunta si b/bm naka helicopter pa ayus”

“ang kapal talaga ng bwakanangshet na to samantalang tayo pahirapan papuntang ph arena”

“Wala eh, binoto nating mga Pilipino.”

“Taray! Pumunts sa concert using taxpayers' money.”

“tax refund sana hahhahahaha wala naman mabuting napupuntahan tax”