Feeling daw ni Manay Lolit Solis ay ginagawa raw talaga ni Pangulong Bongbong Marcos ang lahat para maayos ang mga problema ng Pilipinas.

“Salve kahit ano pa sabihin feel ko na talagang ginagawa lahat ng Presidente Bongbong Marcos para maayos ang mga problema natin sa bansa. Iyon conviction niya sa mga bagay na kailangan talaga niyang gawin, ginagawa niya. Talagang feeling safe ako na magiging maayos lahat sa Pilipinas,” sey ni Lolit sa kaniyang Instagram post kamakailan.

PBBM, gumamit daw ng presidential chopper papuntang Coldplay concert?

Para rin sa kaniya, pinakamaganda pa rin daw ang Pilipinas kumpara sa ibang bansa.

“Kahit ano pa sabihin para sa akin pinaka maganda parin ang ating bayan kumpara sa iba. Dito sa Pilipinas masipag ka lang kakayanin mong mabuhay ng masagana. Masarap na pagkain na puwede mong bilhin basta masikap kang magtrabaho,” aniya.

“Plastic ang magsasabi na hindi nila wish na dito mag retire pagkatapos magtrabaho sa abroad. Lahat halos ng nagpunta sa abroad ang dream dito sa atin mag retire. Iyon comfortability feeling mo na nasa sarili kang bayan hindi mo maalis sa utak at puso mo,” dagdag pa niya.

Naiinis din daw siya kapag nakaririnig siya ng mga reklamo tungkol sa Pilipinas.

“Ewan ko ba kung bakit pero naiinis ako pag may naririnig ako na panay ang reklamo tungkol sa bayan natin. Iyon mga kapwa natin Pilipino na para bang wala ng nagawang maganda sa kanila ang Pilipinas. Masakit sa tenga pag naririnig mo ang mga complaining faggots na may sinasabing masama sa bayan nila,” patutsada ng showbiz columnist.

Dagdag pa niya, “We have to love the Phillipines para lalo itong umangat. Ipakita natin ang Filipino pride dahil marami tayong dapat ipagmalaki. Dapat hands in hands natin iangat ang bansa natin. Look at how Korea was selling the image of their country. Ngayon nasa top country na sila ng mundo tulad ng Japan. Be proud to be a Filipino.”

“Hail the chief, President Bongbong Marcos. Bongga.”

Kaugnay na Balita: