Naiinis daw si Manay Lolit Solis sa tuwing nakaririnig siya ng reklamo tungkol sa Pilipinas.

Sa isang Instagram post kamakailan, ibinahagi ng showbiz columnist ang saloobin niya sa mga taong nagrereklamo tungkol sa Pilipinas.

PBBM, ginagawa raw lahat para maayos ang bansa sey ni Lolit

“Ewan ko ba kung bakit pero naiinis ako pag may naririnig ako na panay ang reklamo tungkol sa bayan natin. Iyon mga kapwa natin Pilipino na para bang wala ng nagawang maganda sa kanila ang Pilipinas. Masakit sa tenga pag naririnig mo ang mga complaining faggots na may sinasabing masama sa bayan nila,” patutsada ni Lolit.

Dagdag pa niya, “We have to love the Phillipines para lalo itong umangat. Ipakita natin ang Filipino pride dahil marami tayong dapat ipagmalaki. Dapat hands in hands natin iangat ang bansa natin. Look at how Korea was selling the image of their country. Ngayon nasa top country na sila ng mundo tulad ng Japan. Be proud to be a Filipino.”

Nauna na rin namang sinabi ni Lolit na ginagawa raw talaga ni Pangulong Bongbong Marcos ang lahat para maayos ang mga problema ng Pilipinas.

Maki-Balita: PBBM, ginagawa raw lahat para maayos ang bansa sey ni Lolit