Nagsalita na ang aktres na si Kaye Abad matapos madawit sa isyung ipinupukol kay Kapamilya Star Daniel Padilla, na kaugnay naman sa "cheating issue" raw nito sa panahong magkarelasyon pa sila ng ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo.

Nakaladkad ang pangalan ni Kaye dahil sa blind item na may "nakachorvahan" umano si "Disco" (na sinasabing si Daniel daw) na isang aktres na may initials na "KA" at take note, may asawa na raw ito ngayon at nangyari daw ang tikiman bago ikasal si KA.

Sa panayam ng isang manunulat ng isang pahayagan at isa sa hosts ng "Marites University," naloka lang daw si Kaye sa pagkakadawit ng kaniyang pangalan. Itinanggi niya ang anumang involvement kay Daniel.

"Grabe, nakakatawa ‘yang issue na ‘yan!" nasabi lang daw ni Kaye, na happily married na sa dating "Pinoy Big Brother" housemate at businessman na si Paul Jake Castillo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bukod kay Kaye, nakaladkad din ang pangalan nina Kapamilya A-lister Andrea Brillantes, Star Magic artist Gillian Vicencio, at isang Vietnamese woman na si Min Phuong, a.k.a. Emma.

Pati ang misis ng kaibigan nina Kath at DJ na si Patrick Sugui na si Aeriel Garcia ay nadawit din sa intriga, bagay na pinasinungalingan na ng una.

MAKI-BALITA: Gillian Vicencio nagsalita matapos madawit sa KathNiel break-up

MAKI-BALITA: Babaeng Vietnamese nagsalita tungkol sa kanila ni Daniel Padilla

MAKI-BALITA: Sinisid daw ng misis niya dati si Daniel: Patrick, pumalag sa blind item

Tila di rin sinasadyang madawit ang pangalan nina Liza Soberano at Julia Barretto sa isyu matapos maispatan ng mga netizen na tila inunfollow raw ni Kathryn ang dalawa.

MAKI-BALITA: Anong isyu? Kathryn, inunfollow sina Liza, Gillian, at Julia

Pagkatapos, naging usap-usapan naman ang cryptic post ng sister ni Kathryn na si Kaye Bernardo tungkol sa "WE KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER" na may background song pang "Say My Name" ng Destiny’s Child. Dinugtungan pa niya ito ng iba't ibang mga nagdaang taon gaya ng 2014, 2017, 2018, 2019, 2021, at 2023.

MAKI-BALITA: Pasabog ng sis ni Kathryn, pagsisiwalat sa ‘kataksilan’ ni Daniel?

Samantala, hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig nina Daniel at Andrea tungkol sa isyu.