Inatake ng armyworms ang ilang taniman ng sibuyas sa Nueva Ecija at Tarlac, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Kabilang sa mga apektado ng armyworm infestation ang Bongabon, Talavera, at Palayan City sa Nueva Ecija, at Anao at San Manuel sa Tarlac.

Paliwanag ng DA, nasa 366 ektaryang taniman ng sibuyas ang apektado ng armyworms.

National

Ilang bahagi ng bansa, uulanin dahil sa shear line, easterlies

Kaugnay nito, pinaigting na ng DA ang kanilang hakbang upang matugunan ang nasabing problema.

Tinatayang aabot sa ₱30.4 milyong halaga ng onion seeds ang naipamahagi na ng pamahalaan sa Central Luzon sa ilalim ng High Value Crops Development Program.

Plano rin ng ahensya na mamahagi ng dagdag na ₱20.3 milyong halaga ng 1.3 toneladang binhi sa mga onion-producing area upang tumaas ang produksyon nito sa bansa.