Nakausap daw ng direktor na si Darryl Yap ang kaibigan niyang si Karla Estrada tungkol sa pagbebenta umano ng bahay.

Sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, shinare ng direktor na wala raw siyang alam tungkol sa pagbebenta ng bahay ni Karla. Ngunit kasama siya raw nito bumili ng bagong property.

Milyones na sports car ni Daniel Padilla, ibinebenta kay Boss Toyo

“I don’t know about Karla Estrada selling the house, but I was with her months ago when she bought a new property sa South; sinamahan nya lang ako magtingin, pero siya ang nakabili,” saad ni Yap. "Kaya tinawagan ko..."

“Marami kaming napag-usapan, pero isa lang ang tono nya, kahit di nya sabihin nang direkta. Gusto nyang tulungan si Daniel makahinga at makapagmove-on,” kwento nito.

Tatanungin pa nga niya raw sana ‘yong tungkol sa isyu ng utang kaso tinamad na raw siya. At saka hindi na rin daw talaga sila madalas mag-usap ng aktres.

“Kaya I’m sure kung maghihirap man si Mumsh (feeling ko imposible) hindi yan magbebenta ng property… tataya lang yan sa lotto as a lone bettor. Charot lang! ahahaha,” sey pa ni Yap.

Matatandaang ibinenta umano ng anak ni Karla na si Daniel Padilla ang sports car nito kay Boss Toyo.

Maki-Balita: Milyones na sports car ni Daniel Padilla, ibinebenta kay Boss Toyo

Matapos nito, kumakalat na binabalak na rin daw ibenta ni Daniel ang kaniyang bahay.

Maki-Balita: Matapos ibenta ang kotse: Daniel, plano ring isunod ang bahay?

https://balita.net.ph/2024/01/17/matapos-ibenta-ang-kotse-daniel-plano-ring-isunod-ang-bahay/