Isa na namang mananaya ang nanalo ng halos ₱700 milyong jackpot sa Grand Lotto 6/55 draw nitong Miyerkules ng gabi.

Nahulaan ng naturang mananaya ang winning combination na 24-50-52-09-51-03 kung saan nakalaan ang premyong mahigit ₱698.8 milyon, ayon sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Wala pang ibinigay na impormasyon ang PCSO kaugnay ng pagkakakilanlan ng solo winner.

Nitong Martes, Enero 16, tumama rin ng mahigit ₱640.6 milyon ang isang mananaya sa 6/49 Super Lotto draw.

National

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

Ang winning combination na 26-33-14-48-06-42 ay nahulaan ng nasabing jackpot winner.