Nagsalita na si PCSO General Manager Mel Robles tungkol sa pag-eedit nila ng larawan ng mga nananalo sa lotto.

Ito’y kaugnay sa nag-viral na larawan ng lucky winner ng ₱43M sa Lotto 6/42.

Dinogshow: Nanalong lone bettor ng Lotto 6/42, 'kahina-hinala' raw

Maki-Balita: Dinogshow: Nanalong lone bettor ng Lotto 6/42, ‘kahina-hinala’ raw

Sa panayam ni Robles sa “Unang Hirit,” nitong Huwebes ng umaga, sinabi ni Robles na kailangan talaga nilang i-edit ang larawan for “security reasons.”

“Buong mundo po wala po talagang nagpapakita [ng mukha] unless gusto niya. Sabi ko nga kung natatawa sila na inedit ‘yong palda eh sa ibang bansa po mascot pa nga ang isinusuot,” sabi niya.

“Ah talagang ineedit n’yo?” paglilinaw naman ng Unang Hirit host na si Arnold Clavio.

“Ine-edit po talaga ‘yon… ang objective po talaga is to keep the anonymity. Pero… we have to show the people na may totoong nanalo at the same time without violating naman ‘yong privacy niya…” paliwanag ni Robles.

Samantala, nabanggit din ng general manager na totoong tao ang nanalo ng ₱43M sa Lotto 6/42.