Kuwela at taklesa talaga itong si Rosanna Roces o tinatawag na "Miss O" (mula sa Osang) matapos niyang i-reveal na nasightsung na niya ang pag-aari ng Kapamilya actor na si Joseph Marco.

Nangyari ito sa finale media conference ng "Pira-Pirasong Paraiso" kung saan nagbigay ng papuri si Rosanna sa mga co-stars na nakasama niya rito.

Sa maiksing panahon daw na nagkasama-sama sila, napamahal na raw sa kaniya ng mga nakasamang stars.

At nabanggit nga niya si Joseph na matagal na raw niyang nakatrabaho nang mag-lock in taping sila sa "FPJ's Ang Probinsyano." Parang naging magkapatid na nga raw ang turingan nila sa isa't isa.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

"Pati ano niyan nakita ko na," sey ni Osang.

"Pinakikita naman kasi nila sa akin eh, tinitingnan ko naman. Siyempre 'di ba."

"Pero walang malisya 'yon. Siyempre parang... mahal ko 'yan, si Joseph.

Nagpasalamat naman si Joseph sa magagandang mga nasabi sa kaniya ni Rosanna bilang isang katrabaho. Aniya, masaya raw katrabaho si Osang. Kapag nagustuhan ka raw ni Osang, talagang all-out ito. Pero kapag ayaw ka niya, talagang ipapa-feel sa iyo na ayaw ka niya.

Matatandaang napakomento si Rosanna noon nang ipakita ni Joseph ang kaniyang "pabukol" sa endorsement ng isang underwear.

MAKI-BALITA: ‘Nagkakasala ako nito’: Rosanna Roces, nawindang sa hubad na larawan ni Joseph Marco

MAKI-BALITA: Rosanna Roces, ‘uulamin’ si Joseph Marco