Marami pa raw gustong ma-accomplish ang Kapamilya Star na si Andrea Brillantes ngayong 2024, na sadly ay hindi yata niya nagawa noong 2023.

Nag-guest si Andrea sa morning talk show na "Magandang Buhay" kasama pa ang ibang co-stars ng "Senior High" at dito ay sinabi niya ang mga balak niyang gawin ngayong taon.

Aniya, "Not putting enough actions into my words kasi parang ang dami kong sinabi no'ng 2023 na 'I wanna do this,' 'I wanna do that,' pero I just realized, like a couple of weeks ago, na I didn't put enough actions to make it come true, to put it into reality, for example it doesn't need to be malalim po, like puro ako 'I wanna eat healthy,' 'I wanna work out,' never ko siyang nagawa, parang 'yong work out ko, 2016 pa yata eh..." paliwanag ni Blythe.

"This year, I'm gonna make time, and I'm gonna put an extra effort para like magawa ko na talaga 'yong plans ko for 2024. Stop procrastinating na rin..."

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

May mga gusto pa raw siyang gawin sa sarili niya na alam daw ni Xyriel Manabat pero minabuti niyang huwag na itong i-disclose sa publiko.