Nakakaloka ang mga netizen sa nag-claim na nanalong bettor ng Lotto 6/42 na na-draw noong Disyembre 28, 2023 mula sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Ayon kasi sa Facebook post na makikita sa page ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakuha na ng plain housewife mula sa Bulacan ang tumataginting na ₱43,882,361.60 sa PCSO Main Office na matatagpuan sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

Ang winning combination na nasaktuhan ng winning bettor ay 18-34-01-11-28-04.

"The lucky winner shared that she placed the bet since the number ‘28’ often represents a car and ‘34’ a house. She disclosed that she plans to invest her winnings in business, buy a new home, and deposit the rest into her two children’s savings accounts," saad sa post.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Sa comment section, bukod sa marami ang napa-sana all at nagpaabot ng pagbati para sa nanalong bettor, marami rin sa mga netizen ang tila may napansin daw sa larawang kalakip ng post.

Narito ang ilan sa mga napansin ng netizens tungkol dito.

"Ang galing ng editor nito ah"

"Ang galing naman mag.photoshop pcso. Congratulations hahahah"

"Bakit parang standee si ateng nag-claim?"

"Muntik pa maging edited."

"Bakit parang may something sa pic?"

"Bakit parang galit yung PCSO officer?"

"Face reveal naman!"

"Sinong PCSO officer po 'yan, congrats!"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang pamunuan ng PCSO tungkol sa pandodogshow ng mga netizen.