Imbes nga naman na malanta ang mga bulaklak na ibibigay sa kaniya sa kaniyang debut party, mga biik at pig feeds ang ibinigay sa seremonya ng "18 roses" ng debutanteng si Antonyt Cosico mula sa Sariaya, Quezon noong Enero 13, 2024.

Sa panayam kay Cosico, ito raw ang naisip niyang kakaibang regalo sa kaniyang 18th birthday dahil lodi niya ang kaniyang inang may sariling babuyan.

Isa pa, praktikal lamang daw ito dahil imbes nga namang masayang, mapapalaki pa niya ang mga baboy at puwede siyang kumita rito't magamit sa kaniyang pag-aaral.

Pangako raw niya sa mga nagregalo sa kaniya ng biik, kapag lumaki na ang mga ito at nagkaroon na ng mga anak, magbibigay raw siya ng tig-dalawang biik sa taong nagregalo nito sa kaniya.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Aprub naman sa mga netizen ang praktikalidad nito.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!