Naitala ngayong Huwebes, Enero 18, ang pinakamalamig na temperatura sa Metro Manila para sa taong 2024, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Base sa monitoring ng PAGASA, naranasan ang temperaturang 20.1°C sa Science Garden, Quezon City, kaninang 5:00 ng umaga.

Mas mababa ito sa naitalang 20.2°C na naranasan dins a Science Garden noong Enero 14.

Metro

Pinakamalamig na temperatura sa NCR para sa 2024, naitala ngayong Linggo

Samantala, naranasan naman ang pinakamalamig na umaga ngayong Huwebes sa Baguio City na may 13°C.

Naitala rin daw ang pinakamababang temperatura ngayong Huwebes sa Basco, Batanes (17.4°C); Casiguran, Aurora (18°C); Tanay, Rizal (18.1°C); Abucay, Bataan (18.6°C); Laoag City, Ilocos Norte (19.2°C); Tuguegarao City, Cagayan (19.6°C); Clark, Pampanga (19.9°C); at Mulanay, Quezon (20°C).

Ayon pa sa PAGASA, ang naturang pagbaba ng temperatura sa ilang bahagi ng bansa ay dahil umano sa pag-iral ng northeast monsoon o amihan na nagdadala ng malamig na hangin mula sa Siberia.

Bukod naman sa amihan, patuloy pa rin daw ang pag-iral ng shear line sa ilang bahagi ng bansa.

https://balita.net.ph/2024/01/18/amihan-shear-line-patuloy-na-nakaaapekto-sa-malaking-bahagi-ng-ph/