Nangako si Senate President Juan Miguel Zubiri na handang magbiitiw sa puwesto sakaling may isisingit na ibang probisyon sa isinusulong na pag-amyenda sa ilang economic provisions ng 1987 Constitution.

Sa panayam sa radyo, nilinaw ng senador na layunin nitong mapawi ang pangamba ng mga mambabatas dahil sa posibilidad na maisingit ang ilang political provisions sa Saligang Batas.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Aniya, halos lahat ng nakausap na senador ay sumang-ayon na limitado lang dapat sa economic provision ang pag-amyenda sa Saligang Batas.

Wala aniyang dahilan upang maangamba ang publiko sa Cha-cha na isusulong ng Senado sa pagbabalik ng sesyon sa susunod na linggo.

Wala rin aniyang ibang motibo ang kanilang tatalakayin at target ipasa na economic Cha-cha.