Flinex ng kontrobersiyal na Kapamilya Star na si Andrea Brillantes ang mga larawan nila ng pamilya habang nagbabakasyon sa Tali Beach Resort sa Nasugbu, Batangas.

"Sunset in Tali ❤️," komento naman dito ng mismong nanay ni Andrea na si Belle Brillantes.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

View this post on Instagram

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)

Pinuri naman ng mga netizen ang kagandahang-taglay ni Andrea habang nagchi-chill siya sa paglubog ng araw.

Ilang fans ang nanibagong tila nanawa at nanahimik na raw ang bashers ni Blythe.

"Ang tahimik di ako sanay😢Asan mga bashers bakit nawala😭"

"Too gorgeous, Filipinos should stop bashing this young pretty girl."

"Pagud na pagud na yong toxic fans. Kung sino sino na tinatarget nila. Baka next week Taiwanese naman."

"Gandang di nakakasawang pagmasdan.❤️❤️."

"Gandang walang katulad."

"Super ganda."

Ngunit isang netizen ang inulan ng batikos matapos purihin si Andrea pero sana raw, huwag namang manira ng relationship ng iba.

"You’re a Beautiful enough please don’t destroy any relationship! I am Believing in you and trying not to Believe the rumors❤️❤️❤️," anang netizen.

Sey naman ng iba pang netizens:

"a relationship that was destroyed a long time ago 😂😂 she’s not responsible 🥰"

"stop being judgemntal darling… always choose to be kind.. God bless you🙏"

"no proof of their accusations. They are trying to destroy Blythe."

Matatandaang nadawit si Andrea sa naging hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na kinumpirma nila noong Nobyembre 30, 2023 sa pamamagitan ng Instagram posts.

MAKI-BALITA: Andrea diretsahang umamin kay Kathryn tungkol sa kanila ni Daniel