Nakakaloka ang mga netizen patungkol sa naibentang sports car na dating pagmamay-ari ni Kapamilya Star Daniel Padilla.

Sabi kasi ng ilang netizen, wala na raw silang pakialam kung sino o paano nabili ang luxury car nito, na milyones ang halaga.

MAKI-BALITA: ‘May nanalo na!’ Sino nagka-interes bumili sa sports car ni Daniel Padilla?

Ang mas bet daw nilang malaman ay kung sino ang seller o car dealer na nagsadya kay Boss Toyo para ilapit ang nabanggit na kotse.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Photo courtesy: Franz Akeem Aldover (FB)

Batay raw kasi sa tindig at looks nito ay parang mala-Daniel Padilla rin ang dating kaya mas gusto raw siyang i-mine ng commenters.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Sino 'yong naka-black? Parang mas bet ko siya i-mine hahaha."

"Mine po sa naka-black hahaha."

"Akala ko si Daniel eh, wafu naman niyarn..."

"Mine si kuya naka black"

"Yung lalake po ang gusto ko hahaha"

"Pogie din ng seller mas pogie p ky daniel"

Well, ang car dealer na pinagkakaguluhan ng mga netizen ay nagngangalang "Franz Akeem Aldover," na may-ari ng "F2A Cars" na nasa car dealership business.

Photo courtesy: Franz Akeem Aldover (FB)

Photo courtesy: Franz Akeem Aldover (FB)

Batay sa kaniyang profile, bukod sa kaniyang business, siya ay isang international flight steward at minsan nang naging contestant ng segment na "Mr. Pogi 2012" sa Eat Bulaga! noong nasa GMA Network pa ito.

Photo courtesy: Franz Akeem Aldover (FB)

Photo courtesy: Franz Akeem Aldover (FB)

Pero back-off na guys dahil in a relationship na ang status ni Aldover, na fine-flex din niya sa kaniyang Facebook posts.

MAKI-BALITA: Milyones na sports car ni Daniel Padilla, ibinebenta kay Boss Toyo