Inusisa si “Senior High” star  Xyriel Manabat tungkol sa naging reaksiyon ng kaniyang non-showbiz boyfriend nang mapanood ang kissing scene nila ng co-star niyang si Elijah Canlas.

Sa latest episode ng “Magandang Buhay” nitong Miyerkules, Enero 17, inamin ni Xyriel na nakaramdam daw ng awkwardness ang jowa niyang si Nathaniel Toledo nang mapanood ang tukaan nila ni Elijah sa isang episode nito.

Pero paglilinaw niya, may daya naman daw ang kissing scene. In fact, nandoon daw si Nathaniel sa mismong set noong shino-shoot ang nasabing eksena.

“Nage-gets niya naman. May mga scenes po nandoon siya while taping the scenes. ‘Yong eksena namin ni Archie na talagang nag-trend, nandoon po siya. Lahat ng scenes namin ni Archie na medyo intense or medyo intimate, nandoon siya and nanonood siya,” saad ni Xyriel. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Noong una, ako ‘yong mas kabado sa kaniya. Kasi siguro siya kondisyon na ‘yong utak niya na ‘Okay gagawin niya ‘to, may work siyang ganito’. Kasi bago ko po gawin ‘yong araw na ‘yon, ‘pag nabasa ko sa script na may ganoon…kinakausap ko na po siya,” aniya.

Dagdag pa niya: “Ini-explain ko na po paano gagawin; kung paano dadayain; kung ano ‘yong sistema ‘pag nagti-take. Ta’s ina-assure ko naman po sa kaniya na work lang. And naiintindihan niya naman. Pero ‘pag napapanood niya medyo nao-awkward lang daw siya kasi hindi siya sanay na nakikita niya na may ibang tao.”

Samantala, isa bang panayam, isiniwalat ni Xyriel na bet daw niyang gumanap sa isang girl love project dahil mas komportable raw kaeksena ang kapuwa babae.

MAKI-BALITA: Andrea, Xyriel game sumabak sa GL project