Kamakailan lamang ay lumikha ng ingay ang paglapit ng isang car dealer kay Boss Toyo ng "Pinoy Pawnstars" para ipagbenta sa kaniya ang dating sports car ni Kapamilya Star Daniel Padilla.

Ang sports car ni Daniel na ibinebenta sa vlogger ay isang 2016 model Chevrolet Corvette Stingray C7 na kulay-orange. May dala-dala namang mga papeles at identification cards ang ahente na magpapatunay na legit na pagmamay-ari ni DJ ang nabanggit na luxury car.

Ibinebenta ang mamahaling kotse sa halagang ₱6.5 milyon.

Tinawaran ito ni Boss Toyo ng ₱5.5 milyon subalit ang huling hirit ng seller ay ₱5.8 milyon.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Inamin naman ng seller na ang kotseng iyon ay unang ipinagbenta ni Daniel sa kaniyang kaibigan, at ang nabanggit na kaibigan naman ang nagbenta sa seller ngayon na lumapit kay Boss Toyo.

Hindi kinuha ni Boss Toyo ang kotse subalit naka-on sale ito sa iba pang mga interesadong magmay-ari sa dating kotse ng Kapamilya Star.

MAKI-BALITA: Milyones na sports car ni Daniel Padilla, ibinebenta kay Boss Toyo

Kaya naman todo-post ang car dealer na si Franz Akeem Aldover sa kaniyang social media para sa mga interesadong bilhin ang kotse.

Nitong gabi ng Martes, Enero 16, ipinamalita ni Aldover na may nakabili na sa luxury car ni Daniel.

Ito ay isang vlogger/online stream gamer na may pangalang "Perkz Gaming" o tinawag ding "Tito Paldo."

Makikita sa kalakip na larawan ang buyer sa kaniyang Facebook post.

Sa kaniyang Facebook post ay flinex ni Perkz Gaming ang nabiling luxury car sa tapat ng kaniyang magarang bahay.

"Nakapagpapicture din sa Corvette ni DJ 😍," aniya sa caption ng isa niyang Facebook post.

"Malayo na pero malayo pa. Thank you po," saad pa niya sa isang post kung saan makikita rin ang kaniyang bahay.

Hindi naman tinukoy kung magkano naibenta kay Perkz Gaming ang kotse, pero kung babalikan ang vlog sa Pinoy Pawnstars, nagkatawaran sina Aldover at Boss Toyo sa ₱5.8 milyon.