May isiniwalat si Primera Kontrabida Gladys Reyes tungkol sa naobserbahan niya kay Kapamilya actress Maris Racal nang kapanayamin siya ni Diamond Star Maricel Soriano sa latest vlog nito.

Sa isang bahagi kasi ng vlog ni Maricel, hindi niya naiwasang itanong kay Gladys kung kumustang katrabaho ang mga bagets sa showbiz industry noong bumida siya sa pelikulang “Here Comes The Groom” noong 2023. 

“Awa naman ng Diyos, Nay, wala pa ‘kong naka-work na alam mo na, ’di ba? Hindi naman uubra ’di ba, Nay?” sabi ni Gladys.

“Napaka-marespeto ng mga bata naman na naka-trabaho ko. Like…first time ko to work with sa ‘Here Comes [The Groom]’ si Maris Racal,” aniya.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Dagdag pa niya: “Si Maris po is one of the promising and talented actors that we have now. At saka musikera din, ano, ’yong bata. And, nakita ko rin ’yong kagutushan niya do’n sa ginagawa niya. ’Yong respeto niya sa ka-trabaho, ’yong dedicaton noong bata.”

Hindi naman nakakapagtaka ang bagay na ito dahil kamakailan nga ay tila nangingibabaw siya sa teleseryeng “Can’t Buy Me Love” kasama ang co-star niyang si Anthony Jennings ayon sa mga netizen.

MAKI-BALITA: ‘Sapaw sa DonBelle?’ Chemistry nina Maris at Anthony, bet ng netizens

Bukod kay Maris, isa rin si Enchong sa mga pinuri nina Gladys at Maricel. In fact, kapag nga raw pinapanood ni Maricel si Enchong sa mga serye nito ay nadudurog ang puso niya. Isang bagay na sinang-ayunan naman ni Gladys.