Nakakaloka ang hirit na joke ng itinampok na seller ng sports car na dating pagmamay-ari ni Daniel Padilla na si "Franz Akeem Aldover," na siyang may-ari ng F2A Cars, at lumapit kay Boss Toyo ng Pinoy Pawnstars upang ipagbenta ito sa halagang ₱6.5 milyon.

Ipinost kasi ni Aldover sa kaniyang Facebook page ang mga larawan ng 2016 model Chevrolet Corvette Stingray C7 na kulay-orange, na pagmamay-ari daw noon ni DJ.

Biro ng seller sa kaniyang caption, "Awit sayo Daniel ! Yung panty ni Andrea naiwan mo sa compartment ng Corvette mo . Ako pa tuloy yung Pinag hinalaan ng GF ko na may babae 🥲🥲🥲"

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Sa isa pang Facebook post, sinabi ni Aldover na ang ibinebentang kotse ay "kotse ng loyal."

Inulan naman ito ng reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"HAHAHAHAHWHWHAHAHA BRODIE AMININ MO NA!!! DINADAWIT MO PA SI DANIEL HA."

"Ang galing mo tlaaga magpalusot ha kuya akeem loyal."

"Bro akin na balik ko kay andrea mamaya"

"Boss Franz Akeem Aldover yung panty nlang ni andrea benta m kay boss oyot"

"alam mo kaninong panty talaga yan? sa aso kong si summer 😂"

Mukhang biro lang naman ang nabanggit na post at wala talagang nakitang pagmamay-aring gamit ni Andrea ang seller sa dating kotse ni Daniel.

Mabalik sa kotse, ibinebenta nga ito ni Aldover sa halagang ₱6.5 milyon.

Tinawaran ito ni Boss Toyo ng ₱5.5 milyon subalit ang huling hirit ng seller ay ₱5.8 milyon.

Inamin naman ng seller na ang kotseng iyon ay unang ipinagbenta ni Daniel sa kaniyang kaibigan, at ang nabanggit na kaibigan naman ang nagbenta sa seller ngayon na lumapit kay Boss Toyo.

Hindi kinuha ni Boss Toyo ang kotse subalit naka-on sale ito sa iba pang mga interesadong magmay-ari sa dating kotse ng Kapamilya Star.

MAKI-BALITA: Milyones na sports car ni Daniel Padilla, ibinebenta kay Boss Toyo