Viral ang Facebook post ng isang mister matapos niyang alayan ng pulumpon ng pera o money bouquet ang asawang bagong panganak sa kanilang pangalawang baby.

"I owe to my wife everything, Our life, our daughters, our family. My simple gift for your sacrifices. Salamat kaayo lang. Shopping na," ani Rhamy Mark Dongiapon para sa kaniyang misis na si Cassandra.

Ginawa umano ito ni Rhamy bilang appreciation sa kaniyang misis.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Bukod naman sa money bouquet ay nag-alay rin siya ng tunay na mga bulaklak para sa kaniyang misis na alam niyang nahirapan sa panganganak, at hindi lamang sa mismong akto ng pagluluwal ng bata, kundi sa pagdadala nito sa sinapupunan sa loob ng siyam na buwan.

Nagsilang si Cassandra sa kanilang pangalawang anak ni Rhamy sa Davao Oriental Medical Center. Agad naman silang nakalipat nang private room nang mailuwal na ang sanggol.

Napa-sana all na lamang ang mga netizen, lalo na ang mga babae.

"Ito ang mabait na mister!"

"Naol na lang talaga. Yung tatay ng anak ko, wala man lang paramdam sa akin eh."

"What a great man! Sana lahat ng mister kagaya mo."

"Salute to you Sir sana lahat kagaya mo magmahal at sumuporta."

"Good job, sana all!"

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 5.6k reactions, 45k shares, at 297 comments ang nabanggit na viral Facebook post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!