Usap-usapan ang paglapit ng isang seller kay Boss Toyo ng "Pinoy Pawnstars" para ipagbenta sa kaniya ang sports car ni Kapamilya Star Daniel Padilla.

Ang sports car ni Daniel na ibinebenta sa vlogger ay isang 2016 model Chevrolet Corvette Stingray C7 na kulay-orange. May dala-dala namang mga papeles at identification cards ang ahente na magpapatunay na legit na pagmamay-ari ni DJ ang nabanggit na luxury car.

Ibinebenta ang mamahaling kotse sa halagang ₱6.5 milyon.

Tinawaran ito ni Boss Toyo ng ₱5.5 milyon subalit ang huling hirit ng seller ay ₱5.8 milyon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Inamin naman ng seller na ang kotseng iyon ay unang ipinagbenta ni Daniel sa kaniyang kaibigan, at ang nabanggit na kaibigan naman ang nagbenta sa seller ngayon na lumapit kay Boss Toyo.

Hindi kinuha ni Boss Toyo ang kotse subalit naka-on sale ito sa iba pang mga interesadong magmay-ari sa dating kotse ng Kapamilya Star.

Samantala, makikita naman sa Facebook page ni "Franz Akeem Aldover," ang seller na lumapit kay Boss Toyo, ang mga larawan ng ibinebentang sports car.