Win-win situation daw kay Filipino-American comedian Jo Koy ang nangyari sa kaniya sa Golden Globe Awards kamakailan ayon sa pananaw ng stand-up comedian na si Alex Calleja.

Sa pilot episode ng “Afternoon Delight” ng ONE News nitong Lunes, Enero 15, hiningan si Alex ng komento kaugnay dito.

“Walang na-miss na opportunity. Tatlo lang naman ang pupuntahan ng performance niya, e. One, ‘yong talagang nangyari ngayon. Pangalawa, super galing niya. Or pangatlo, hindi siya napansin,” saad ni Alex.

“Sa tatlo na ‘yon, ayaw ko ‘yong hindi ako napansin. Ang napansin, ‘yong mga awardings, walang Jo Koy. Ang pinakagusto mo, of course, ‘yong sikat at galing mo. Pero kapag magaling ka, hindi ka masyado ring papansinin dahil…expected, e,” aniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang mahalaga raw kasi sabi ni Alex, ‘yong publicity. Negative o positive man ito. Dahil ‘yon naman daw talaga ang pinaka-goal ng isang gaya ni Jo Koy: mapag-usapan.

Matatandaang nag-host si Jo Koy sa Golden Globe Awards kamakailan at isa sa mga napuntirya ng kaniyang jokes ay si multi-Grammy award-winning American singer at songwriter Taylor Swift.

MAKI-BALITA: Taylor Swift, ‘di natuwa sa hirit na joke ni Jo Koy?

Maraming hindi natuwa sa kaniyang mga binitawang biro kaya inulan siya ng batikos sa iba’t ibang social media platforms at inamin niyang nasaktan siya sa mga basher.

MAKI-BALITA: Jo Koy, nasaktan sa mga basher: ‘It’s a tough gig’