Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang sampung mga lugar sa Pilipinas na nakaranas ng pinakamalamig na temperatura nitong Martes ng umaga, Enero 16.

Base sa temperature update ng PAGASA, naitala sa Baguio City ang pinakamababang temperatura na 13.0°C nitong Martes.

Sinundan daw ito ng malamig na temperatura sa Basco, Batanes na nagkaroon ng 15.5°C at sa Laoag City, Ilocos Norte na may 19.0°C.

Bukod dito, nakaranas din ng malamig na temperatura ang Casiguran, Aurora (20.8°C); Dagupan City, Pangasinan (22.0°C); Davao City, Davao del Sur (22.8°C); Aparri, Cagayan (23°C); at sa Calapan City, Oriental Mindoro (23.2°C).

Metro

Pinakamalamig na temperatura sa NCR para sa 2024, naitala ngayong Linggo

Nakasama naman ang Science Garden sa Quezon City sa sampung may pinakamalamig na temperatura matapos maitala rito ang 23.2°C. Ito ang nag-iisang lugar sa Metro Manila na nakapagtala ng pinakamalamig na temperatura sa araw na ito.

Nasa ikasampu naman sa listahan ng PAGASA ang Romblon, Romblon na nakapagtala ng temperaturang 23.3°C.

Matatandaang nito lamang Linggo, Enero 14, ay naitala ang pinakamalamig na temperatura sa Metro Manila para sa taong 2024.

Ayon sa PAGASA, ang naturang pagbaba ng temperatura sa ilang bahagi ng bansa ay dahil sa patuloy na pag-iral ng northeast monsoon o amihan na nagdadala ng malamig na hangin mula sa Siberia.

Samantala, bukod sa amihan ay inihayag din ng PAGASA nitong Martes na patuloy pa rin ang pag-iral ng shear line sa ilang bahagi ng bansa. Ang shear line ay ang “boundery line” kung saan nagsasalubong ang malamig at mainit na hangin.

https://balita.net.ph/2024/01/16/amihan-shear-line-patuloy-na-umiiral-sa-malaking-bahagi-ng-ph/