Nahingan ng pahayag ang basketball player-aktor na si Ricci Rivero sa pagkakasangkot ng kaniyang ex-girlfriend na si Andrea Brillantes sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Walang ibinigay na komento si Ricci, bagkus ay sinabi niyang masaya raw siya sa mga nangyayari sa kaniyang career at love life ngayon.

In a relationship si Ricci ngayon kay Los Baños, Laguna Councilor Leren Mae Bautista, na hindi naman nakaligtas sa mga kritisismo dahil inaakusahang naging third party kung bakit naghiwalay sina Ricci at Andrea.

Wala na nga raw siyang "bad blood" sa ex, at ang gusto na lamang niya ay mag-move forward na ang lahat.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"Any comment wala po. From the very start, I just wanted peace for everyone," aniya.

Binasag lang daw niya ang katahimikan niya nang makanti at madamay na ang kaniyang pamilya.

"Ako gusto ko lang family ko masaya, I’m very lucky to be happy as well both career and relationship ngayon. Wala ako anything against kahit sino. Kaya ako nagsalita before just for the sake for people to hear my side,” dagdag pa ng basketbolista.

“Nagsasalita lang ako if bugbog na family ko and Leren, which I think they don’t deserve. Sa akin wala. Kasi pumasok ako sa relationship, I know how social media plays on our lives and spotlight we got in that time. Walang anything. No bad blood. Masakit lang for my family, they don't deserve the words and judgment," paliwanag pa ni Ricci.

Grabe ang bembang kay Ricci ng hiwalayan nila ni Andrea dahil bukod sa isyung nagdadala siya ng babae sa condo niya (na naabutan pa raw na nakahubad ni Andrea), siya rin ang naiisip ng mga tao na tinukoy ng aktres na ex-boyfriend daw niyang hindi nagpapa-laundry sa loob ng isang taon.

MAKI-BALITA: Andrea diretsahang umamin kay Kathryn tungkol sa kanila ni Daniel

MAKI-BALITA: Leren naawa kay Ricci; isyu ng ‘labada’ pinagkakatuwaan na lang